Marahil nga ay nagkakaroon na ng mga magagandang reporma sa Kongreso.

Sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia, ipinapakita na tumaas ang tiwala at kumpiyansa ng House Speaker, sa katauhan ni Pateros-Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, sa antas na 64% approval at 62% trust.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naungusan ng House Speaker si Vice President Leni Robredo sa approval ratings. Si VP Robredo ay nagkamit ng 50% approval at 46% trust.

Malaking pag-ungos ito di lamang para kay House Speaker Cayetano, kundi sa liderato ng Kongreso. Ang mga nakaraang House Speakers ay karaniwang mas mababa ang antas ng tiwala at kumpiyansa, tulad nang kay dating Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo 25% approval lamang noong June 2019 at 27% noong December 2019. Sa kaparehas na panahon, si VP Robredo ay nagkamit ng 46% at 55% approval, na mas mataas kay Arroyo.

Ang pagtaas ng approval at trust ratings ng House Speaker ay isang repleksiyon sa uri ng pamumuno at pamamahala na nagaganap s

Marahil nga ay nagkakaroon na ng mga magagandang reporma sa Kongreso.

Sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia, ipinapakita na tumaas ang tiwala at kumpiyansa ng House Speaker, sa katauhan ni Pateros-Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, sa antas na 64% approval at 62% trust.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naungusan ng House Speaker si Vice President Leni Robredo sa approval ratings. Si VP Robredo ay nagkamit ng 50% approval at 46% trust.

Malaking pag-ungos ito di lamang para kay House Speaker Cayetano, kundi sa liderato ng Kongreso. Ang mga nakaraang House Speakers ay karaniwang mas mababa ang antas ng tiwala at kumpiyansa, tulad nang kay dating Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo 25% approval lamang noong June 2019 at 27% noong December 2019. Sa kaparehas na panahon, si VP Robredo ay nagkamit ng 46% at 55% approval, na mas mataas kay Arroyo.

Ang pagtaas ng approval at trust ratings ng House Speaker ay isang repleksiyon sa uri ng pamumuno at pamamahala na nagaganap sa loob ng Kongreso bilang isang institusyon.

Paninindigan bilang katuwang ng pagbabago

Maaalalang maraming reporma sa pamamalakad ang inilunsad ni Speaker Cayetano sa Kongreso mula nang siya ay maitalagang House Speaker. Ang pag-aaral at pag-apruba rin ng National Budget ay mabilis at maayos na naipasa bago pa natapos ang Setyembre 2019.

Ang P4.1T budget na naaprubahan ng Kongreso ay pinanatili rin na alinsunod sa pangako ni Speaker Cayetano na “walang pork, walang delays, at walang parked funds.” Karamihan rin sa mga ahensiya ng gobyerno ay nakatutok sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ay binigyang pansin ng budget tulad ng dagdag na P3 bilyon para sa pambili ng palay mula sa mga magsasaka, pagpapanatili ng budget proposal ng PGH, at ilang dagdag na pondo para mapaigting ang mga programang pang-edukasyon.

Nanatiling may pinakamataas na approval rating ang Pangulong Duterte sa 78% habang si Senate President Tito Sotto ay nakakuha ng 72% approval. Si Chief Justice Bersamin naman ay nakakuha ng 42% approval.

Isingawa ng Pulse Asia ang survey na ito mula Sept. 15-22 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na adult respondents sa buong bansa. May error margin ito na ± 2.8% at confidence level na 95%.

Facebook Comments