Home » Philippines » STATEMENT: The Presidential Spokesperson on the suspension of PDAF releases

STATEMENT: The Presidential Spokesperson on the suspension of PDAF releases

malacanang_palace

Statement of Secretary Edwin Lacierda: On the suspension of PDAF releases, August 20, 2013

To our friends in media, please find below the partial transcript of the interview of Maki Pulido of GMA7 with President Aquino, dated 19 August 2013, where the suspension of PDAF releases is discussed:

Maki Pulido (MP): Recently, of course, sinabi po ni Cardinal Tagle na naluha siya dito sa lumalabas na Pork Barrel Scam. Sinabi po ni Chairman Grace Pulido Tan na siya naman, gusto niyang humagulgol. Kayo po, ano po ‘yong naging reaksyon ninyo noong nalaman ninyo ‘yong resulta ng COA audit on the PDAF?

President Aquino (PBSA3): Sino ba naman ang hindi talaga madidismaya? At babalikan ko: Ekonomista kasi ako, e: Sayang, may pagkakataon kang may magawang maganda e, sinamantala mo. Tapos ‘yong kuntsabahan ng napakaraming sektor para mangyari ito, ano ‘yong mga allegation? Beneficiaries, listahan ng bar examinees. Malulungkot ka rin, ‘yong magandang nagagawa naman sa paggamit ng PDAF, natatabunan nitong kababuyan na ito. ‘Yong pagkakataon na madinig ‘yong mga pangangailangan lalo na sa labas ng mga urban centers, ‘no, parang mababawasan. Parang, trabaho ko siguro, ‘wag naman sanang madamay ‘yong mahusay at ‘yong matino doon sa mga taong mapagsamantala.

So, for instance, panahon ni Presidente Estrada, may menu, nag-umpisa akong kongresista. Ang naalala ko, school buildings, farm to market roads, etc. So, at the start, sinabi ko kay Butch, “Butch, siguraduhin nating may controls tayo dito.” At marami silang in-institute, pati doon sa budget. ‘Yong iba masyadong technical e. Pero ‘yon nga tinatanggal na natin, ‘yong sistema na pwedeng kalikutin, ‘yong mga pigura na siyang nagiging basehan noong authorization sa paggagastos. Pero sabi ko nga, baka dapat simplehan na natin, ibalik natin ulit doon sa menu. So ang sagot sakin ni Butch Abad, “Sir, paano ‘yong eskwelahan? E ginagawa na natin ‘yong dinatnan nating kulang, at ‘yong kulang para sa K to 12 ay gagawin na by next year.” So tinutugunan na iyon. Iyong sa electrification naman ng mga sitio, ginagawa na rin po natin ‘yan, at ang target ngang matapos ang close to 36,000 na backlog e. So mayroong mga magiging specifics. They are drawing up now, but there will be a menu, at siguro ili-limit talaga doon sa NGO. Now, hindi porke NGO, fake. Mayroon namang mga NGO na totoong tumutulong, na mawawalan ng access to resources na nakakatulong sa kanilang mga komunidad kung ipe-puwera natin sila. So, we’re trying to come up with that system that, siyempre, does away with all of the loopholes, ‘no, na para makalusot, para siguradong mapunta doon sa talagang pangangailangan ng bawat komunidad.

MP: Hindi ninyo ho ba ito—kasi there is a growing clamor, na sana naman ay ipatigil na itong PDAF.

PBSA3: And then change it to what? Balikan ko lang, noong nag-umpisa akong congressman kasi, nagturo sa akin ay mga barangay captain ko. Sabi nila, “Sir, tingnan n’yo itong dinadaanan natin ngayon. Noong bata ako, ganyan na iyan. Ngayong retirado na ako, ganiyan pa rin ho, at pagdating ng apo ko malamang ganiyan din iyan. ‘Pag may dumating ditong cabinet secretary or undersecretary, baka maibulong natin ito. E pag wala, paano na po tayo?” Siyempre sa national government mas national ang picture mo. Ang dami sa aming ganoon, e: eskwelahan ‘yong point na medyo malayu-layo nang kaunti doon sa urbanidad, wala ka nang kuryente.

Ito ‘yong representante ka ng mga tao. May kulang kami ng ganito; may pangangailangan ho kaming ganito. ‘Yong PDAF, lalo na doon sa hard na aspect, nakakatulong matugunang mas mabilis ‘yong pangangailangan ng komunidad.

MP: Pero kung mayroon ho tayong matututunan dito sa special audit, it’s very vulnerable to corruption.

PBSA3: Teka muna, if that conspiracy exists: ‘Yong, ire-release namin ito, bahala kayong gamitin, walang titingin, walang magmamatyag, walang magche-check kung may naging resulta diyan. But remember, ‘yong COA natin ngayon, people that we put into office were the ones who managed to find all of these anomalies. Di ba sobrang kagarapalan naman ‘yong may ido-download naman na pondo ‘yong NGO that doesn’t exist, or how about ‘yong—basta ang dami-daming purported beneficiaries, paano mo ili-liquidate ‘yon? So dapat may pumayag, “O sige, wala nang liquidation.” So, maski anong bagay, pati kotse for instance: Ang kotse tina-transport ka from here to there; pero ilagay mo siraulo doon, pwedeng managasa. Anything, no matter what system you put in, at dumating ‘yong mga taong hindi kanais-nais at mapagsamantala, e, talagang hahanapan ng paraan. So, trabaho nating bawasan nang bawasan ang pagkakataon na iyan.

MP: So paano po kung hindi po kahit, sabi nga ho ng mga ibang kritiko, “Kahit pansamantala itigil.” Kung hindi ho, ano ang gagawin?

PBSA3: Walang releases for the second half based on the report of the Chairman of DBM. ‘Yong implementing agencies, recently in-issue ang DA, for instance, Secretary Alcala. Ang sagot e ‘yong may ni-release, dinaan sa kanya ‘yong funding, ni-release nila something like a third or half. Ngayon ‘yong half is still with them. Bakit still with them? E, wala pang liquidation ‘yong first, tapos may time limit. ‘Pag hindi na-liquidate nang maayos, then may mga kasong papasukan.

MP: So, ibig ninyo pong sabihin, sa ngayon, hindi po muna tayo magre-release ng PDAF?

PBSA3: Walang ni-release. Ang statement ni Secretary Abad: Walang ni-release for second half.

MP: So hanggang kailan po ‘to?

PBSA3: Tapusin muna ang imbestigasyon and check kung mayroong pa ngang loopholes na dapat maisara. (gov.ph)

7 Total Views 3 Views Today

About Public

Public
Xian Public is Manila Channel contributor account. See author's name on the content. This Account is manage by Leyte Normal University (LNU) Students.