junjun-binayToday, the Senate Blue Ribbon sub-committee headed by Senator Koko Pimentel cited Mayor Jejomar Erwin S. Binay Jr in contempt and want him arrested.

Here is the official statement of Mayor Binay against the detention order to be served against him.

Statement of Mayor Jejomar Erwin S. Binay, Jr.
January 26, 2015, Makati City Hall

NANG SIMULAN ANG MGA PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON SUB-COMMITTEE SA USAPIN NG MAKATI CITY HALL BUILDING 2, WALANG ALINLANGAN PO AKONG PUMUNTA DAHIL UMASA AKO NA MABIBIGYAN NA NG LINAW SA WAKAS ANG MGA MALING PARATANG AT ALEGASYON NA IBINABATO SA AMIN.

GINAWA KO ITO KAHIT MARAMI PO ANG NAGPAYO NA HUWAG AKONG PUMUNTA DAHIL MALAMANG NA ANG PAGDINIG AY GAGAMITIN UPANG SIRAAN ANG AKING AMA NA SI VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY.

SA IMBITASYON NG SENADO AY MALINAW ANG NAKASAAD. AKO AY MAGIGING ISANG RESOURCE PERSON. NGUNIT SA UNANG PAGDALO KO AY NARAMDAMAN KO PO KAAGAD NA AKO AY ITINURING NA AKUSADO. KONTRA SA KANILANG MGA PAHAYAG AT MAGING SA KANILANG IMBITASYON MISMO, NARAMDAMAN KO NA AKO AY HINUSGAHAN NA. MAY KASALANAN AT WALANG KARAPATAN.

ANG MGA PALIWANAG KO PO BILANG KASAGUTAN AY MADALAS NA PINUPUTOL AT BINABARA. AKO AY KINUTYA. AKO AY TINAKOT. ANG GINAWA NILA SA AKIN AY GINAWA RIN NILA SA IBANG MGA OPISYAL NG MAKATI AT ORDINARYONG KAWANI NA GOBYERNO AT IBANG RESOURCE PERSONS NA ANG HANGAD AY MAGBIGAY LIWANAG UPANG LUMABAS ANG KATOTOHANAN.

BATID KO PO NA AKO AY ISANG MAYOR LAMANG KUNG IHAHAMBING SA MGA MALALAKI AT MAKAPANGYARIHANG SENADOR NG SENATE BLUE RIBBON SUB-COMMITTEE.
AT KAHIT MINSAN AY HINDI KO PO INISIP NA KALABANIN ANG SENADO, LALO NA ANG GALITIN ANG MGA SENADOR. MINARAPAT KO LAMANG HILINGIN ANG MGA PUNTO NA NAIS NILANG ITANONG SA AKIN. NGUNIT WALA DAW AKONG KARAPATAN DITO AYON SA TATLONG SENADOR, TALIWAS SA MGA DESISYON NG KORTE SUPREMA.

IGINAGALANG KO PO ANG SENADO BILANG ISANG INSTITUSYON. NGUNI’T HINDI PO AKO ANG NAGPAKITA NG PAGSIRA SA DIGNIDAD NITO. ANG TATLONG SENADOR AT ANG KANILANG MGA TINATAWAG NA SAKSI ANG SYANG SUMISIRA SA PANGALAN AT PAGTITIWALA SA INSTITUSYON NG SENADO.

GUSTO KO RIN NAMAN PONG TUMULONG UPANG MABUNYAG ANG KATOTOTOHAN.

NGUNI’T NAPANSIN KO PO NA ANG KATOTOHANG GUSTO NILANG PANIWALAAN AT PANIGAN AY YUNG GALING SA MGA NAG-AAKUSA SA AMIN NA WALANG EBIDENSYA.

SINO PO BA ANG MGA NAG-AAKUSA SA AMIN? SILA PO ANG MGA TAONG ILANG BESES NANG NAPATUNAYAN NA NAGSINUNGALING SA SENADO TALIWAS SA KANILANG SINUMPAAN NA MAGSASABI LAMANG NG PAWANG KATOTOHANAN. HINDI PO BA TAMA AT MAKATARUNGAN NA SURIIN DIN NG SENADO ANG PAGKATAO NITONG MGA NAG-AAKUSA SA AMIN BAGO SILA IHARAP SA PUBLIKO? HINDI BA DAPAT NA ALAMIN MUNA NILA KUNG ANO ANG REKORD NG MGA TAONG ITO BAGO SILA PANIWALAAN AT KAMPIHAN NG MGA SENADOR?
NAKALULUNGKOT MANG ISIPIN NGUNIT HABANG ANG MGA TAONG ITO AY HINAYAHAAN AT INUUDYUKAN PA NG ILANG MGA SENADOR NA IPAGPATULOY ANG KANILANG PANINIRA AT PAGSISINUNGALING, KAMI NAMAN PO NA GUSTONG MAGBIGAY LIWANAG ANG INIIPIT AT IPINAPAKULONG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE.

KAHIT NA AKO AY MAYOR LAMANG AT HINDI ABUGADO, ALAM KO NAMAN PO NA KINIKILALA NG ATING KONSTITUSYON ANG KARAPATAN NG LAHAT NG MAMAMAYAN.

SOBRA NA PO ANG GINAGAWA NILANG PAGHAMAK SA AKIN AT SA AMING PAMILYA. SOBRA NA PO ANG GINAGAWA NILANG PANGGIGIPIT SA MGA TAONG DAPAT AY NAGPAPALIWANAG LAMANG – BILANG SAKSI AT HINDI BILANG AKUSADO.

BATID KO PO NA WALA AKONG KALABAN-LABAN SA TATLONG SENADOR AT ANG MALALAKING TAONG KASAMA NILA.

KAMI PO AY UMAASA NA LANG SA PAGPAPASYA NG TAONG BAYAN AT NG MGA KORTE SA TAMANG PANAHON.

MASAKIT MAN PARA SA AKIN ANG NAGING DESISYON NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE, NARARAPAT LAMANG NA IPAGLABAN ANG TAMANG PRINSIPYO AT KATARUNGAN UPANG IHINTO ANG PAGMAMALABIS NG KAPANGYARIHAN NG ILANG MGA SENADOR.

PATULOY NYO PO SANANG IPAGDASAL ANG AMING PAMILYA, ANG AMING MINAMAHAL NA KABABAYAN SA LUNGSOD NG MAKATI, AT ANG BAYANG PILIPINAS.